Tuesday, 23 April 2019

Tunggalian ng Tao at Kalikasan

Karamay

Taglay ang ganda ng kalikasan. Simula pa nuon ay ginawa na ang tao at kalikasan para magsama at makisalamuha ang isa't isa. Sa araw-araw na pakikisalahuma ng mga tao sa kalikasan ay tila'y naging kaibigan at karamay na natin ito sa buhay. Ang kalikasan ay karaniwang paksa ng mga tao sa iba't ibang sining. Sa mga sumusunod na larawan, maipapakita ang relasyon ng mga tao at kalikasan.



Pagsikat Ng Araw
Ang pagsikat ng araw ay karaniwang simbolo ng bagong pag-asa.




Liwanag
Ang liwanag na ibinibigay ng araw ay tumutulong para makita natin ang natural na ganda ng kalikasan.



Pagsibol
Ang pagsibol ng mga halaman ay simbolo ng masaganang kapaligiran.




Tanawin
Ang kalikasan ay karaniwang ginagamit bilang disenyo at magandang tanawin.




Lupa
Ang lupa ay ang ating kinatatayuan.



Pagkikita
Sa larawang ito makikita ang pagkikita ng tubig at lupa.




Lupa sa Tubig
Ang mga barkong ito ay nagsisilbing lupa para sa mga trabahador sa tubig.



Lanta
Ang paglanta ng mga dahon ay hudyat ng parating na bagong panahon.



Pag-ibig
Ang mga rosas ay karaniwang simbolo ng pag-ibig at ibinibigay natin sa ating mga mahal sa buhay.



Pawis
Ang tumbok ng dahong ito ay pinaglaanan ng pagod ng ating mga diyanitor.



Ligaya
Ang paglalaro at pagtakbo ng mga batang ito ay nagbibigay ligaya sa kanilang mga munting puso.



Kain
Ang mga nilikhang mga buhay ng Diyos ay kailangan kumain upang mabuhay.



Tamis
Ang mga prutas na ito ang nagbibigay tamis sa ating mga tiyan.



Paksa
Karaniwang paksa ng mga larawan at ibang sining ang kalikasan.



Basura
Kung titignan ay kakaunti lamang ang mga basurang ito, ngunit nakakasira ito ng ating kalikasan.




Pinakita ng mga larawan ang mga interaksyon ng tao sa kalikasan. Ang kalikasan ay malaking parte ng ating mga buhay. Ingatan at alagaan natin ito. Itrato ng mabuti ang mga hayop at linisin ang kapaligiran. Huwag natin abusuhin ang ibinigay sa atin ng Diyos dahil tayo ay siyang naninirahan lamang sa mundo.

Tunggalian ng Tao at Kalikasan

Karamay Taglay ang ganda ng kalikasan. Simula pa nuon ay ginawa na ang tao at kalikasan para magsama at makisalamuha ang isa't isa. S...